MANILA, Philippines - Nagsimula nang mag-impake ang libu-libong Pinoy sa South Korea dahil sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa Korean PeninÂsula.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul, binigyan na ng abiso ang Filipino community leaders na ihanda ang kanilang mga bagahe at pagkain para sa anumang biglaang evacuation o paglilikas sa gitna na rin ng pag-umang ng mga warships at missile destroyer ng South Korea at Estados Unidos laban sa North Korea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kapag lumala ang tensyon at nagkaroon ng unang pag-atake mula sa isang panig, inaatasan ang mga Pinoy na malapit sa border na agad na magtungo sa katimugang bahagi ng South Korea partikular ang Gimhae City malapit sa Busan at may 320 kilometro ang layo sa Seoul na maaaring maraÂting sakay ng behikulo (by land).
Ang mga lilikas na sasakay ng eroplano palabas ng South Korea ay maaaÂring dumaan o gumamit ng Busan International Airport bilang karagdang ruta sa pagtakas.
Dahil sa epekto ng missile threat ng Nokor, may mga nagsasara ng operasyon ng mga kumpanya sa South Korea at ang iba ay nagbabawas na umano ng oras ng trabaho bilang paghahanda sa posibilidad na digmaan.
Isinara na rin ang Kaesong industrial complex na magkatuwang na pinatatakbo ng South at North Korean na nasa border ng Nokor makaraang hindi na pumasok kahapon ang may 5,300 Nokor at 400 South Korean employees.
Samantala, nagpadala na ang South Korean Navy ng dalawang destroyer na magmo-monitor sa anumang pagpapaÂkawala ng missile ng Nokor. Ang 7,600 toneladang Aegis destroyer na may SPY-1 radar ay may kakayahan umanong maka-detect ng daang bagay sa himpapawid na may 1,000 kilometro ang layo.
Sakaling magpakaÂwala ng missile ang Nokor, agad umanong mati-trace o makikita ang trajectory nito.
Nabanggit na ang paliliparin na KN-08 missile ng Nokor ay may kakayahang makaabot sa Japan, South Korea at sa mga miltary bases ng US sa Pacific Island ng Guam.
Magpapadala ang US ng missile-interceptor batteries sa US military base sa Guam upang protektahan ang nasabing base militar na may 3,380 kilometro o 2,100 milya ang layo sa North Korea.
Noong Huwebes, nakatanggap ng pinal na approval ang North Korean Army mula sa kanilang pamahalaan na nagbibigay ng “go signal†para sa military action laban sa South Korea at upang tapatan ang nakaposisÂyong B-52 at B-2 stealth bombers ng US sa South Korean coast na siyang unang ginamit sa South Korean-US joint military drill.