MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ng Department of Labor and Employment ang listahan ng mga kailangang-kailangang aplikante para sa local employment.
Sa report ng Bureau of Local Employment sa Phil-Job.net, nangunguna rito ang information communication technology/business process outsourcing na nangangailangan ng 17,890 call center agents.
Ikalawa ang salesman (12,619 vacancies); agent (10,475 vacancies: service crew (8,380 vacancies), production worker/factory (6,018 vacancies). Sunod na rito ang technical support staff (5,334 vacancies); kahera (4,993 vacancies); sales clerks; merchanÂdisers at office clerk.
Kailangan din ng mga factory workers, janitors, security guards, sales representatives, promo staff, sales officers, customer service assistants, production technicians at iba pa.
Sa ngayon ay pangunahing pinagkukunan ng mga aplikante ng mga kumpanya ang PhilJob.net, ang online job site na pinatatakbo ng DOLE, na sa pinakahuling datos, mayroong naka-post na 162,663 job vacancies, 8,439 advertised skills for hire at mayroon ding 117,323 job applicants.
Inatasan na ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz ang mga regional director na paalalahanan ang mga may-ari ng kumÂpanya sa kanilang nasasakupan na gawing regular ang posting ng job vacancies sa online online job search and job matching portal ng pamahalaan.
Ang pagpapalakas sa Phil-Job.net ay bahagi ng estratehiya ng DOLE upang mas mapadali ang pagkakaloob ng trabaho sa mga mamamayan.