MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Department of Justice ang pagpapalabas ng hold departure order (HDO) ng husgado laban sa may-ari ng Globe AsiaÂtique na si Delfin Lee.
Ayon kay DOJ ProÂse cutor General Claro Arellano, ang nagpalabas ng HDO laban kay Lee at apat na iba pang sangkot sa kasong syndicated estada ay si Judge Amifaith Fider-Reyes ng PamÂpanga Regional Trial Court Branch 42 kunsaan ay may kinakaharap na kaso ang grupo ni Lee.
Ang pagpigil na ma kalabas ng Pilipinas si Lee at mga kapwa resÂpondent ay bunsod ng housing scam na naka binÂbin ngayon sa natu rang hukuman.
Bukod kay Lee, kasama rin sa HDO ang kanyang anak na si Dexter at mga opisyal ng Globe Asiatique na sina Christina Sagun at Cristina Salagan, at ang opisyal ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na si Alex Alvarez.
Sa pagpapalabas ng HDO, sinabi ng korte na binigyan nang bigat ang public interest at public welfare na sangkot sa kaso ng Globe Asiatiqe kaysa sa constitutional right to travel ng mga akusado.
Ang syndicated estafa laban kay Lee ay isang non-bailable offense.