MANILA, Philippines - Iniumang na ng Estados Unidos ang kanilang US Navy missile des troÂyer sa karagatan ng South Korea bilang depensa sa anumang pag-atake ng North Korea.
Base sa report, nagÂsimula nang iposisyon ng Amerika ang kanilang USS Fitzgerald, isang barkong pagdigma sa southwestern coast ng South Korea bilang bahagi ng paghahanda ng US at South Korea sa nagba badyang digmaan sa Korean Peninsula.
Ang nasabing warship ay bahagi ng joint South Korea-US military exercises at imbes na umuwi ito sa kanyang home port sa Japan matapos ang drill ay minabuting iposisyon sa nasabing karagatan upang depensahan ang South Korea sa anumang missile strike ng Nokor.
Bukod sa deployment ng USS Fitzgerald, sinabi ng US military na nauna nang ipinorma nitong Lunes sa South Korea ang kanilang F-22 Raptor stealth fighters bilang bahagi ng kanilang “Foal Eagle†military exercise.
Bunsod nito, muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon sa may 42,000 Pinoy sa South Korea na manatiling naÂka-alerto sa maaaring mangyaring probokasyon ng Nokor.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, tiniyak na ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnaÂyan sa Filipino commuÂnity leaders para sa poÂsibiliÂdad na paglilikas sa mga Pinoy sa nasabing rehiyon kapag lalong lumala ang tensyon na mauwi sa maÂtinding giyera.
Ang paghahanda ng Amerika sa pinangaÂngambahang all-out nuclear conflict sa Korean Peninsula ay bahagi ng kanilang pangakong suporta sa South Korea at iba pang bansang kaalÂyado nito sa anumang nuclear strike ng Nokor.