Kongresista pinagba-bundy clock; ‘No work, no pay’ sa Kamara

MANILA, Philippines - Mariing tinututulan ng minorya sa Kamara ang “No Work, No Pay” policy na isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ibinasura rin ni House Minority Leader Danilo Suarez ang bundy clock system na panukala ng ilang kandidato ng team PNoy.

Paliwanag ni Suarez, hindi uubra ang ganitong sistema sa Kamara at maging sa Senado.

Ito ay dahil may pagkakataon umano na may balido namang rason ang mga mambabatas kung bakit sila lumiliban sa ses­yon.

Aminado rin ang mam­babatas na ang pagiging pala absent ng ilan nilang kasamahan ay masasabing bahagi na ng kasaysayan at nangyayari na noon pang mga nakalipas na Kongreso.

Subalit kung may kritikal na isyu at mga panukalang batas o reso­lusyon naman umano ay maaasahan naman at dumarating sa plenaryo ang mga mambabatas.

Subalit nasa kamay pa rin umamo ng liderato ng Kongreso para mabigyan naman ng leksyon ang mga absinerong kongresista.

Show comments