MANILA, Philippines - Nasa 4,300 ang pasyenteng tinamaan ng human immunodeficiency virus (HIV) ngayong taon.
Sa ipinalabas na datos ng National Epidemiology Center ng Department of Health (DOH), ang 380 ay sa buwan ng Enero habang 339 ay naitala noong Pebrero.
Mas marami pa rin sa biktima ng HIV ay mga lalaki at karamihan sa mga nagpopositibo sa HIV at AIDS ay nasa edad 20 hanggang 29.
Lahat umano ng nasabing kaso kabilang na ang 45 OFW ay nahawahan sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Ang Pilipinas ay kabilang sa pitong bansa na may pinakamabilis at nakakaalarmang bilang ng kaso ng may HIV gaya ng Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, at Tajikistan batay na rin sa ulat ng World Health Organization.