MANILA, Philippines - Niyanig ng 3.0 magnitude na lindol ang Calatagan, Batangas kahapon ng alas-3:28 ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine InstiÂtute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol ay naitala sa Kanluran bahagi ng Calatagan, Batangas, tectonic ang origin nito at ang lindol ay may lalim ng lupa na 120 kilometro.
Wala naman inaasahang aftershocks at wala ding naÂpinsala ang naturang lindol.