PCOS final testing sa OAV isasagawa ng COMELEC

MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Commission on Elections (COMELEC) na magsasagawa na sila ng final testing and sealing sa mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine sa mga lugar sa ibang bansa na pagdarausan ng Overseas Absentee Voting (OAV) para sa 2013 midterm elections.

Sa  notice na may petsang March 26, 2013, gagawin ang pinal na pagsusuri at pagseselyo sa mga PCOS machine sa pitong lugar sa ibayong dagat na kinabibilangan ng Hong Kong, Singapore, Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia, Abu Dhabi at Dubai sa United Arab Emirates at Kuwait.

Idaraos naman ang nasabing proseso mula April 7 hanggang April 12, 2013.

Kaugnay nito, inaabisuhan naman ang lahat ng mga senatorial candidate, party list group, political parties at accredited citizen arm groups para magpadala ng mga watcher sa mga nabanggit na petsa.

Una nang tinukoy ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle, Chairman ng Committee on OAV na 36 na mga karagdagang PCOS machine ang hiniling para sa OAV.

 

Show comments