MANILA, Philippines - Pinadalhan na ng Commission on Elections (COMELEC) ng poster rule at warning ang mga paÂsaway at epal na local candidates bilang babala sa pagÂlabag sa poster rule kaugnay sa 2013 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. ang mga kandidato sa Metro Manila ang una nilang pinadalhan ng babala o notice para tanggalin ang kanilang campaign paraphernalia na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar.
Sinabi ni Brillantes, karamihan sa kanilang natanggap na reklamo ay sa pamamagitan ng twitter account ng poll body.
Nakasaad sa ipinadalang warning ng Comelec ay ang 3 araw na taning o ultimatum sa mga lumabag na kandidato sa panuntunan kaugnay sa election. Kakasuhan din ang sinumang kandidato na mabigong makasunod sa nasabing abiso.