MANILA, Philippines - Itinanggi ng New People’s Army (NPA) na may kinalaman sila sa pag-atake sa isang prusisyon noong Biyernes Santo sa Butuan City kung saan ay dalawang miyembro ng Cafgu ang nasawi.
Sinabi ni Jorge Madlos, spokesman ng National Democratic Front (NDF)-Mindanao, mahigpit na pinabubulaanan ng kilusang rebolusyonaryo ang anumang kaugnay sa nasabing pag-atake.
Iginiit pa ni Madlos alyas “Ka Orisâ€, walang anumang deployment ang NPA sa Butuan City noong Biyernes Santo upang magsagawa ng anumang operasyon.
“I think it’s a mis-encounter between the Special Forces of the Philippine Army, the militiamen and the policemen. I called up our field commanders and they said they did not deploy any force in the area,†paliwanag ni Ka Orist.
Nilinaw pa ni Madlos, hindi makakapaglunsad ng anumang opensiba ang NPA sa pinangyarihan ng insidente dahil ito ay malapit mismo sa isang kampo militar.