MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mataas na kita nito noong 2012, na umakyat ng 14.72 porsiyento habang tumaas din ang halagang nagugol nito sa mga programa para sa mahihirap.
Sa ulat ni PCSO GeÂneral Manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, umabot ang kita mula sa lahat ng mga laro ng PCSO sa P36.4 bilyon, kumpara sa P31.7 bilyon noong 2011.
Ayon kay Rojas, ang tiwala ng publiko sa lotto at sa iba pang laro ng PCSO ang nagpataas sa kita ng ahensiya.
“Ipinapakita nito ang tiwala ng mga manlalaro sa PCSO at sa mga larong ibinibigay nito sa kabila ng maraming ibang laro at kaaliwan na maaaring gamitin ng publiko, wika niya.
Ang lotto pa rin ang pinakamataas ang kita na humakot ng 86.02 porsiyento o P31.3 bilÂyon. Nadagdagan din ng 403 ang mga lotohan na siyang nagpataas ng kita nito. Pumangalawa ang mga lotohan sa mga probinsiya na nagpasok ng P4 bilyon.
Lumago din ang larong Keno mula P614 milyon noong 2011 sa P1 bilyon noong 2012. Nagbukas ang Keno ng 210 higit pang laruan noong nakaraang taon.
Ang tradisyunal na Sweepstakes ang pinakamataas ang paglago sa mga laro sa P40 milyon mula P21.6 milyon noong 2011.
Mayroong 142 nanalo ng lotto jackpot at limang nanalo ng Keno jackpot noong 2012.
“Marami ding naabot ang PCSO sa loob ng ahensiya, tulad ng naimpok na P42.23 milyon dahil sa pagpapatupad ng paghihinay-hinay sa gastos, pagbawas ng aksaya at pagtitipid,†ani PCSO Chairman Margarita Juico, na naniniwala sa matapat na serbisyo.