113 bagong Police Inspectors isasabak sa Mindanao

MANILA, Philippines - Isasabak sa “baptism of fire” sa Mindanao ang 113 mga bagong Police Inspector na kabilang sa 254 nagsipagtapos sa Philippine National Police Academy(PNPA) Tagapamagitan Class 2013.

Ang hakbang ay matapos aprubahan na ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang rekomendasyon ng Directo­rate for Personnel and Records Management (DPRM) para sa deployment ng 254 mga bagong Police Inspector ng PNPA batch 2013.

Ang Mindanao Region ang itinuturing na ‘baptism of fire’ sa deployment ng PNP at AFP dahil dito namumugad ang mga bandidong Abu Sayyaf Group gayundin ang kanilang mga kaal­yadong Jemaah Islamiyah (JI) terrorists.

Base sa rekomendasyon ng DPRM, 31 sa mga ito ay itatalaga sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), 29 sa Northern Mindanao, 22 sa Southern Mindanao, 12 sa SOCSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sarangani at General Santos City) Region at 18 sa CARAGA Region o Region 13.

Samantala 10 ang ma­dedeploy naman sa Cagayan Valley Region, 10 sa Cordillera Region, 22 sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), 22 sa Bicol Region, 22 sa Western Visayas, 17 sa Eastern Visayas, 10 sa Maritime Group at 29 sa Special Action Force (SAF).

Matatandaan nitong Biyernes, 237 na mga bagong miyembro ng PNPA ang nagtapos habang 17 ang hindi nakapagmartsa na kailangan pang maghabol para makumpleto ang kanilang mga administrative requirements at academic clearances.

Show comments