MANILA, Philippines - Tiniyak ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri ang seguridad ng mga mananakay sa lahat ng terminal sa buong lungsod matapos nitong ipag-utos sa lokal na pulisya ang pagpapanatili sa kaayusan at kaligtasan ng mga magtutungo sa iba’t ibang lalawigan.
Ayon kay Echiverri, inatasan na nito si Sr. Supt. Rimas Calixto, hepe ng Caloocan City Police upang magpakalat ng kanyang mga tauhan sa lahat ng terminal ng bus na may biyaheng patungo sa iba’t-ibang probinsiya.
Maging sa mga mall at matataong lugar ay naglagay na rin ng mga tauhan ang lokal na pulisya upang matiyak na walang mga masasamang loob ang makapananamantala sa mga residente na magtutungo sa mga pamilihan.
Bukod sa mga unipormadong pulis ay magpapakalat rin ang lokal na pulisya ng mga awtoridad na hindi naka-uniporme na siya namang magmamanman sa mga terminal, mall at iba pang matataong lugar.
Kabi-kabila na rin ang inilatag na checkpoint sa bawat sulok ng lungsod na ang layunin naman ay maaresto ang mga kriminal na riding-in-tandem na gumagala-gala sa buong Kamaynilaan kabilang na rin dito ang pag-aresto sa mga lumalabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Election (Comelec).