MANILA, Philippines - Hiniling ng environÂmentalist group na Eco waste coalition sa publiko laluna sa mga uuwi ng probinsiya na iwasang magkalat ng mga basura sa mga bus terminal at mga simbahan ngayong Semana Santa.
Ayon kay Tin Vergara ng Ecowaste, ang paalalang ito ng kanilang grupo ay upang hindi na maulit pa ang nangyari noong nakaraang taon na nag-iwan ng bundok na basura ang maraÂming tao sa mga bus terÂminal at simbahan.
Isang halimbawa anya ay ang tambak na basura na iniwan noong nakaraang taon ng mga deboto sa simbahan ng Antipolo City na halos nagmukha ng basurahan ang mga lansangan papunta dito at ang mismong mga gilid ng simbahan na karamihan sa mga basura ay tulad ng mga plastic cups, cellophane, mga straw at iba pa.
Giniit ng Ecowaste sa publiko na isama sa panata nila ang pagmaÂmahal sa kapaligiran at kalikasan at huwag kaÂkalimutang irespeto ito.