Babala ng CHED pinabulaanan ng Olivarez College
MANILA, Philippines - “Politically motivated.†Ito ang tahasang pahayag ng Olivarez College tungkol sa ibinalitang babala ng Commission on Higher Education (CHED) na ipasasara ang kolehiyo dahil mababa ang passing grade sa kursong nursing.
“For the record we are vigorously reputing this news as candidly baseless and apparently commingle with the political atmosphere now playing on air particularly in the city of Parañaque†anang sulat na ipinadala sa PS NGAYON ni Evangeline Olivares-Ilas, vice president for finance and administration.
Sinabi niya na ang balitang nanggaling sa CHED ay maaaring naglalayong siraan ang kanyang mga kapatid na sina Cong. Edwin Olivarez na tumatakbo sa pagka-mayor ng Parañaque at Eric Olivares na tumatakbo sa Kongreso.
Tinuran ni Ilas na sa katunayan, ang naturang Kolehiyo ay isang grantee ng Level II Re-accredited status mula sa Federation of Accrediting Agencies of the Philippines (FAAP) na nagpapatunay na ang Olivarez College ay naka-comply sa requirement na mahigit sa 75 porsyento ng passing grade na higit pa sa national passing rate ang nakuha ng kolehiyo.
Idinagdag ni Ilas na bilang Level II accredited na kolehiyo, ang akreditasyon nito ay may bisa hanggang sa taong 2017.
Bukod dito, ang nursing course ng Kolehiyo ay may akreditasyon ng Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation.
- Latest