^

Bansa

Kemikal sa pagsasaka delikado sa tao, kalikasan

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala si ALE party list Rep. Catalina Bagasina na hindi lamang nakakasira sa kalikasan kundi panganib din sa buhay ng tao ang paggamit ng kemikal sa pagsasaka.

Ayon sa mambabatas, ang kemikal na nitrates mula sa pataba ay itinuturong sanhi ng cancer, birth defects at genetic change sa tao.

Dahil dito kaya kailangang marebyu ang rice production program ng bansa, na ibinase sa tek­nolohiya na naka-asa naman sa chemical ferti­lizers at insecticides.

Dapat pagtuunan din umano ng pansin ng gobyerno ang production research sa pagbawas sa mga ginagamit na fertilizer-dependent varieties o isulong ang paggamit ng natural fertilizer tulad ng azzola.

Nagbabala din ang mambabatas na ang matagal na paggamit ng kemikal tulad ng patina at pestisidyo ay papatay sa lupa. Dagdag pa nito na hindi lamang makakatipid ang bansa sa mga imported na pataba at pestisidyo kundi matitigil din ang panganib sa tao at  iba pang hayop at insekto na tumutulong sa pagpatay ng peste.

vuukle comment

AYON

CATALINA BAGASINA

DAGDAG

DAHIL

DAPAT

DIN

KEMIKAL

NAGBABALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with