MANILA, Philippines - Nagpasok ng not guilty plea si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia sa Sandiganbayan kaugnay ng kinakaharap na kasong graft at malversation.
Ang naturang kaso ay nag-ugat kaugnay ng umanoy kuwestiyonableng pagbili ni Garcia ng Balili property noong 2008.
Sa record ng graft court, noong 2008 ay binili ng Cebu provincial government ng halagang P98.9 milyon ang Balili Estate sa Tinaan, Naga Cebu pero natuklasan ng tanggapan ng Ombudsman na nakalubog sa dagat ang malaking bahagi ng naturang property at hindi maaaring gamitin para sa infrastructure projects.
Nitong huwebes, nagpalabas ng arrest warrant si Associate Justice Teresita Diaz-Baldos laban kay Garcia matapos itong mabigong dumalo sa arraignment na itinakda ng graft court laban dito kaugnay ng kaso at pinakukumpiska din ang P90,000 bail bond nito.
Una nang nagpahayag ng not guilty plea ang private respondents na sina Romeo Balili at Amparo Balili, may ari ng kinukuwestyong lupain na naibenta sa local na pamahalaan.