MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P3-milyong halaga ng mga puslit na sibuyas ang kimumpiska matapos salaÂkayin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang isang cold storage sa Navotas City kahapon ng tanghali.
Ayon kay Comm. Rozzano “Ruffy†Biazon, ang 5,000 sako ng mga puslit na sibuyas ay kanilang nakumpiska mula sa cold storage ng T.P. Marcelo & Co., Inc., na matatagpuan sa kahabaan ng Honorio Lopez St., Barangay NBSS ng naturang lungsod.
Ganap na ala-1:00 ng hapon nang isinagawa nina Biazon, Deputy Comm. Danny Lim, at Intelligence chief Richard “Ricky†Rebong, kasama ang kanilang mga tauhan ang pagsaÂlakay sa naturang cold storage.
Nabatid na nakatanggap ng intelligence report ang tanggapan ni Biazon na ang nabanggit na mga sibuyas ay iniimbak sa sinalakay na cold storage.
Nagsasagawa na ngaÂyon ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ni Biazon upang mabatid at makasuhan ang conÂsignee ng mga kontrabanÂdo.