^

Bansa

P3-M puslit na sibuyas, kinumpiska

Butch Quejada at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P3-milyong halaga ng mga puslit na sibuyas ang kimumpiska matapos sala­kayin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang isang cold storage sa Navotas City kahapon ng tanghali.

Ayon kay Comm. Rozzano “Ruffy” Biazon, ang 5,000 sako ng mga puslit na sibuyas ay kanilang nakumpiska mula sa cold storage ng T.P. Marcelo & Co., Inc., na matatagpuan sa kahabaan ng Honorio Lopez St., Barangay NBSS ng naturang lungsod.

Ganap na ala-1:00 ng hapon nang isinagawa nina Biazon, Deputy Comm. Danny Lim, at Intelligence chief Richard “Ricky” Rebong, kasama ang kanilang mga tauhan ang pagsa­lakay sa naturang cold storage.

Nabatid na nakatanggap ng intelligence report ang tanggapan ni Biazon na ang nabanggit na mga sibuyas ay iniimbak sa sinalakay na cold storage.

Nagsasagawa na nga­yon ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ni Biazon upang mabatid at makasuhan ang con­signee ng mga kontraban­do.

vuukle comment

AYON

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

DANNY LIM

DEPUTY COMM

GANAP

HONORIO LOPEZ ST.

NAVOTAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with