MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkaalarma kahapon ang Estados Unidos sa laganap na pagre-recruit ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist at mga kaalyadong bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Mindanao sa pamamagitan ng social networking site tulad ng Facebook at iba pa.
“Jemaah Islamiyah and the ASG are using the internet, of all parts of social media to propagate lies and to recruit, and we have to find ways to social media to combat that and that’s usually through educationâ€, ayon kay US Ambassador Harry Thomas Jr. sa ginanap na Security and Defense Kapihan sa Embahada sa Defense Press Corps.
Ang JI terrorist ay ang Southeast Asian terror network na naitatag ni Osama bin Laden, ang lider ng Al Qaeda na napatay ng US commandos sa AfghaÂnistan may ilang taon na ang nakalilipas.
Sinabi ni Thomas na nakababahala ang nasabing recruitment ng magkaalyadong teroristang grupo dahil maraming inosente na hindi naman ipinanganak na mga teÂrorista ang nalilinlang ng mga ito para sumapi sa kanilang grupo.
Sinabi naman ni US Navy Captain David Cole, Deputy Commander ng JSOTF Philippines na nasa paligid-ligid lamang ang Sayyaf sa MinÂdanao at nanatili ang mga itong banta sa seguridad hangÂga’t hindi nalilipol ang puwersa.
Una ng sinabi ng mga opisyal ng AFP na nanlulupaypay na ang mga bandido at wala ng kakayahan pa na makapagÂlunsad ng terorismo.