Puntos ni Loren tinuran bakit laging angat
MANILA, Philippines - Ang mahusay at ma sipag na paggawa ng mga batas para sa kaÂpakanan ng maliliit at sekÂtor ng mga nangaÂnga ilangan sa bansa, kaya si reelecÂtionist Sen. Loren Legarda pa rin ang pinaka-paborito ng mga botante para sa May 2013 senatorial elections.
Ito ang lumalabas sa mga survey na isinagawa ng kahit na anong institusyon sa bansa na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa mga iniisip ng mga botante para ilagay sa prayoridad sa pagboto sa darating na halalan.
Isa sa pinakahuling nagÂÂsagawa ng survey ay ang StratPOLLS kung saan ay nakuha pa rin ni Legarda (75.2 porsiyento) ang pinakamataas na posisyon at tila nakalayo pa ito sa sumusunod sa kanya na si Sen. Francis Escudero (63.2 porsiyento).
Nagpasalamat naman si Legarda sa mga Pinoy dahil sa pagiging ‘consistent’ nito sa pa ngunguna sa mga survey at nangakong ipapagpatuloy niya ang mga ‘advocacy programs’ na kanyang nasimulan para sa kapakinabangan ng taumbayan gaya ng healthcare coverage at mas maayos na edukasyon para sa maÂhihirap, mas malawak na suporta para sa mga senior citizens at ang pagkakaroon ng tinatawag na ‘disaster-resilient’ sa lahat ng komunidad sa bansa.
Sa Universal Healthcare Bill na isa sa mga prayoridad ni Legarda, nais nitong magbigay ng libre at dekalidad na health care coverage sa 25 milÂyong piÂnaÂkamahihirap na mga Pilipino.
Gusto rin niya magkaroon ng ‘expansion of scholarship programs’ para sa mga ‘indingent’ subalit ‘derserving’ na mga college students.
Noong Pebrero ay piÂnangunahan din Legarda ang pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Si Legarda rin ang naÂÂnguna sa pinakahuling SoÂcial Weather Station (SWS) na isinagawa naman noong Enero.
- Latest