MANILA, Philippines - Hindi pa umano pinal ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pagpapatalsik kay Lucy Torres-Gomez bilang kongresista ng ika-apat na distrito ng Ormoc City.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) ChairÂman Sixto Brillantes na iba ang kaso ni Torres sa kaso ni Homer Saquilayan at Emmanuel Maliksi ng Imus, Cavite na immediately executory.
Sa panig ni Torres, agad nitong inihayag na magÂhahain siya ng motion for reconsideration para mabaÂligtad ang desisyon.
Para naman sa Comelec, wala itong magiging akÂsyon hinggil sa isyu dahil hindi naman ito bahagi ng kaso. Ipinaliwanag ni Brillantes na ang kaso ay nagmula sa isang electoral protest na isinampa sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).
Ayon sa Korte Suprema, hindi lehitimo ang ginaÂwang paghalili ni Torres sa asawang si Richard Gomez bilang kandidato noong May 2010 elections.
Samantala, hindi na umano maibabalik pa ang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Torres sakaling maging pinal ang kautusan ng Korte. Ayon kay House Minority Leader Danilo SuarezÂ, ito ay dahil sa direkta naman nakalaan para sa mga constituents nito ang kanyang pork barrel.
Dahil dito kayat iginiit nito sa Kamara na ipaubaya na lamang sa mga taga-Ormoc, Leyte ang kapalaran ng mambabatas at hayaan na umano ang mga consÂtituents nito na magdesisyon kung may mga nagawa ba o wala ang kongresista na siyang magiging basehan kung nararapat ba na mapatalsik ito sa pwesto.
Sakaling maging final and executory ang desisyon ng SC sa kaso ni Torres-Gomez, ay mababalewala ang nauna nitong pag-upo sa 15th Congress at kung sakali namang manalo ito ngayong 2013 midterm election ay first termer na naman ang kongresista.