MANILA, Philippines - Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang mamahaÂling sports car at ilan pang smuggled na produkto na may kabuuang halaga na P80 million sa Port of Manila.
Kahapon ay iprinisinta ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa media ang isang McLaren sports car, na model 2012 (MP4-12C) mula sa Amerika.
Ang naturang sports car ay nagkakahalaga ng P45 million at ang consignee nito ay isang Edgardo Reyes. Pansamantalang nakalagak ang sasakyan sa warehouse ng Port of Manila.
Bukod sa mamahaling sports car, nagsagawa din ng inspection si Biazon sa dalawang container van na naglalaman naman ng mga smuggled 3,598 packages ng aluminium window frame mula China na P7 million ang halaga at ang consignee ay ang Chariot Enterprises.
Sa ginawa pa ring inspection ni Biazon sa iba pang container van, nakita rito ang smuggled 220 kahong health products, Optimax Delite, mula sa Singapore na nasa P20 million, na ang consignee ay BWL Health and Sciences Inc.
Used tires mula Japan na nasa P1 million ang laman ng isa pang container van na naka-consign sa Honkawa Sangyo Phils, Inc.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga consignee ng naturang mga kontrabado.