MANILA, Philippines - Muntik ipasara ng Commission on Higher Education (CHED) ang School of Nursing ng Olivarez College dahil umano sa low performance rating sa nursing licensure examinations.
Ang Olivarez College, na pagmamay-ari ng pamilya ni Parañaque City Rep. Edwin Olivarez at kandidato sa pagka-Mayor ng lungsod, ay kabilang sa 147 eskuwelahan sa buong kapuluan na nabigyan ng babala ng CHED noong 2010.
Mismong si dating CHED Commissioner Emmanuel Angeles ang nagkumpirma na ang eskuwelahan ng pamilya ni Rep. Olivarez, at ang 146 pang eskuwelahan ay hindi maganda ang naging performance sa loob ng limang taon sapul noong 2004.
Sa isinagawang nurÂsing licensure examinations ng Professional Regulation Commission (PRC) mula 2004 hanggang 2008, mas mababa sa National Passing Rate na 46.14 percent ang nakuha ng Olivarez College at ng iba pang eskuwelahang binalaan ng CHED.
“This is a wake-up call to our Nursing schools to shape out or phase out,†babala pa ni Angeles.
Bukod sa Olivarez College, ang iba pang eskuwelahan na matatagpuan sa National Capital Region na binigyan ng babala ng CHED ay ang Arellano University-Manila, De Los Santos-STI College, De Ocampo Memorial College, Dominican College, Dr. Carlos S. Lanting College, Emilio Aguinaldo College, J.P. Sioson General Hospital and Colleges, La Consolacion College Manila, Las Piñas College, Martinez Memorial College, Mary Chiles College, Perpetual Help College of Manila, Philippine College of Health Sciences, Philippine Rehabilitation Institute Foundation, Southeast Asian College, St. Jude College, St. Rita Hospital College of Nursing and School of Midwifery, The Family Clinic, Unciano Colleges and General Hospital, University of Perpetual Help Rizal, at World City Colleges sa Quezon City.
Binigyan muna ng initial warning ng CHED ang mga eskuwelahang ito upang paigihin ang kanilang nursing program kung saan malalaman kung nagkaroon ng improvement sa mga susunod na licensure examination ng mga nagsipagtapos sa mga eskuwelaÂhang ito.