27 taong pamamayagpag sa pamamahayag

MANILA, Philippines - Marso 17, 1986 nang isilang ang Pilipino Star NGAYON, isang buwan matapos ang matagumpay na EDSA People Power revolution.

Dalawampu’t pitong taon na ang nakakalipas pero patuloy pa ring namamayagpag sa pamamahayag ang Pilipino Star NGAYON.

Marami ng sumulpot na mga tabloid pero hindi pa din natitinag ang PSN.

Maraming nagsasa­bi na sila ang number 1 pero para sa masang Pilipino, ang numero unong tabloid ay ang Pilipino Star NGAYON.

Hindi lamang sa Pilipinas nangunguna ang PSN kundi ma-ging sa Hong Kong at Gitnang Silangan. Hindi din maawat ang pamamayagpag ng PSN-Qatar edition.

Masaya ang bawat empleyado ng PSN sa loob ng 27 taong pamamayagpag nito hindi lamang dahil sa magandang benepis­yong ipinagkakaloob ng management nito sa pamumuno ni Mr. Mi- guel G. Belmonte kundi dahil sa magandang pagtrato nito sa kanilang mga empleyado.

Kami sa PSN ay mag­­kakapatid, magkakapamilya at magkakapuso kaya naman, sama-sama kaming magsisipag upang ma­natiling matatag ang aming pahayagan at manatiling number 1 sa bawat puso ng aming mambabasa.

Nagpapasalamat din kami sa walang-sawang pagsuporta ng Masang Pilipino sa patuloy na pagtangkilik sa PSN mula 1986, hanggang ngayon at sa hinaharap.

Marahil hindi kami tatagal ng 27 na taon sa industriya kung wala ang pagtitiwala ng aming masugid na mga mambabasa.

Sabi nga ng aming boss na sina Sir Miguel Belmonte at editor-in-chief Al Pedroche, hindi kami magtatagal sa industriyang ito kung hindi namin nakuha ang ‘‘kiliti’’ ng masa.

Ang ‘‘kiliti’’ na bina­banggit nina Mr. Belmonte at Mr. Pedroche ay ang paghahatid ng makatotohanan at siksik na balita sa masang readers.

 

Show comments