27 rason bakit tinatangkilik ang PSN
MANILA, Philippines - Sa nakaraang 27-taon, patuloy sa pagliÂlingkod sa mga mambabasa ang Pilipino Star Ngayon.
Hindi lamang sa pagpapakalat ng mga balita at mahalagang mga impormasyon ang inilalaang serbisyo-publiko ng pahayagang ito kundi marami pang iba.
Maaaring sa loob ng 27-taon ay may mailalahad tayong 27 katangian kung bakit tinatangkilik ng mga mambabasa ang Pilipino Star Ngayon at iisa-isahin natin ito.
1. NaÂis nilang malaman ang baÂlita mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, probinÂsya na may kaÂugnayan sa naganap na krimen at politika.
2. Sa pamamagitan ng pahayagan ay nababatid ng publiko ang posibleng katiwaÂlian ng mga opisyal ng gobyerno partikular na sa hanay ng kapulisan.
3. Nababatid din nila sa pahayagan ang mga posibleng programa ng gobyerno kung naipatupad ito o hindi sa Bansa page ni Rowena del Prado.
4. Minsan ay sa pahayagan idinudulog ang mga problemang hindi natutugunan ng mga awtoÂridad.
5. Nais alamin ng mga mambabasa ang lagay ng panahon sa iba’t ibang panig ng bansaÂ.
6. Gustong malaman ang mga intriga tungkol sa mga artista sa Showbiz page ni Salve V. Asis.
7. Nais malaman ang mga ulat kaugnay sa mga atleta ng palakasan at basketball sa Sports page ni Beth Repizo-Meraña.
8. Gustong hasain ang isip sa pamaÂmagitan ng pagsagot sa mga palaisipan sa pahina ng Libangan ni Jo Cagande-Reducto.
9. Nais nilang magbasa ng mga nobela na maaari nilang kapuluÂtan ng aral partikular na sa pahina ng Opinion ni Ronnie M. Halos.
10. Ayaw nilang palampasin ang sinusubayan nilang mga komiks.
11. Nais alamin ang kanilang kapalaran sa Horoscope.
12. Nais magkaroon ng dagdag kaalaman tungkol sa mga bagong tekÂnoÂlohiya halimbawa ay kung ano ang latest gadgets.
13. Sa mga planong bumili ng bahay o iba pang mga kaÂgamitan ay tumiÂtingin sila sa classified ads.
14. Sa mga nais magÂhaÂnap ng trabaho ay tumiÂtingin din sila sa classified ads para sa posibleng bakanteng trabaho.
15. Sa mga nais mag-abroad, maaari ring sa classified ads naroroon ang oportunidad para sila ay makapagtrabaho sa ibayong-dagat.
16. Kung may nais batiin, ipalalathala nila ang larawan ng kanilang mahal sa buhay halimbawa kung kaarawan, anibersaryo o graduation.
17. Sa mga nawawalang mahal sa buhay, ipinalalathala nila ang larawan sa pahaÂyagan upang madaling matagpuan.
18. Sa mga may nais ipahanap na kriminal, inilalahatla ang larawan sa Metro at provincial page.
19. Kaugnay sa mga namayapang mahal sa buhay, ipinalalagay ang anunsyo sa obituary kung kailan ang posibleng libing.
20. Tuwing elekÂsyon, sa pahayagan inaalam ng mga mamamayan kung nanalo ang kanilang ibinoto.
21. Nababatid din ng mga mambabasa sa pahayagan kung may bagong labas na produkto at kung ano ang may raffle na maaari nilang maÂpanalunan.
22. Sa mga kuÂmuha ng mga pagsusulit, halimbawa ay sa Bar exam, mababatid din nila sa pahayagan ang mga posibleng nakapasa.
23. Sa pagbaÂbasa ng pahayagan ay nasiÂsiguro kung ano ang tumpak na petsa dahil ang bahaging ito ay hindi nawawala sa anumang paÂhayagan.
24. Ang legal noticesÂ, halimbawa ang tungkol sa adoptÂion, ay inilalathala rin sa pahayagan.
25. Kapag mainit ang panahon, ang pahayagan ay maÂaaring gawing panakip sa ulo laban sa sikat ng araw.
26. Kapag umuulan naman ay ginaÂgawa rin itong paÂnaÂkip sa ulo upang hindi mabasa.
27. At kapag luma na ang pahayagan ay hindi basta na lamang ito itinatapon dahil maaaring i-recycle upang muling maÂgamit at sa pamamagitan nito ay makatutulong tayo sa kalikasan.
Sa katunayan, hindi lamang 27 ang mga dahilan na maaaring banggitin kung bakit tinatangkilik ng mga mambabasa ang Pilipino Star Ngayon, kundi marami pang iba. May maÂidadagÂdag pa ba kayo?
- Latest