MANILA, Philippines - Bukod sa Semana Santa, dalawa ang importanteng okasyon na ipinagdiriwang tuwing sumasapit ang buwan ng Marso.
Una siyempre ay ang anibersaryo ng Pilipino Star NGAYON at ang ikalawa ay ang Fire Prevention Month na nakapaloob sa Presidential Proclamation No. 115.
Bagaman at nakatutuwa na habang lumilipas ang taon ay lalong dumarami ang mga nagbabasa ng PSN, hindi naman nakakatuwa na sa kabila ng kampanya ng Bureau of Fire and Protection ay tumataas ang bilang ng insidente ng sunog.
Noong nakaraang taon, umabot sa 2,000 ang sunog, sa Metro Manila pa lamang na kung saan nangunguna sa sanhi ay ang faulty electrical wiring. Kaya mahalagang ngayon pa lamang ay itsek na natin ang wiring ng ating mga kuryente.
Sa Disaster Preparedness and First Aid Handbook na inilabas ng Senate Committee on Climate Change na pinamumunuan ni Senator Loren Legarda, nagbigay sila ng tips kung papaano makakaiwas sa sunog. Kabilang dito ang mga sumusunod:
ï€ Huwag maninigarilyo sa kama lalo na pagkatapos uminom o maglasing.
Tanggalin ang mga delikadong bagay na maaaÂring pagsimulan ng sunog sa loob ng inyong tahanan katulad ng mga basura at iba pang flammable materials.
Itago ang posporo o lighter sa lugar na hindi maaabot ng bata.
Huwag itatapon ang upos ng sigarilyo sa basurahan. Ugaliing magÂlagay ng ashtray sa inyong tahanan kung may naninigarilyo. Ugaliin ding patayin ang upos ng sigarilyo bago ito itapon.
Huwag ilagay ang kandila, oil o gas lamps sa malapit sa kurtina o mga bagay na madaÂling magliyab. SiguraÂduhin ding hindi ito mapaglalaruan ng bata o masasagi ng alagang hayop. Patayin ang nakasinÂding kandila bago matulog.
Huwag magtago ng mga flammable materials katulad ng gasoline, alcohol at pintura sa loob ng inyong tahanan.
Iwasan ang pagsusunog ng basura lalo na ng plastic at rubber sa inyong bakuran.
Mahalagang may fire extinguiÂsher sa loob ng inyong tahanan.
Huwag iwanan ang niluluto lalo na kung may mantika sa kawali, habang nagpi-prito. Sakaling bigla itong magliyab dahil napabayaan, HUWAG bubuhusan ng tubig dahil lalong lalaki ang apoy, sa halip ay takpan ng basang basahan o basang towel ang kawali.
Iwasan ang pagsasaksak ng maraming applianÂces sa isang outlet o octopus connection.
Posible ring pagÂsimulan ng apoy ang mga sirang plug dahil sa overheaÂting.
SiguraduÂhing inalis o tinanggal ang plantsa sa outlet pagkatapos gamitin.
Palaging itsek ang gas hose ng inyong LPG at palitan na kaagad kung ito ay may sira.
Huwag magbasa sa kama gamit ang kandila o gasera.
Sumunod sa “No Smoking†signs.