^

Bansa

Tips kung paano makakaiwas sa sunog

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukod sa Semana Santa, dalawa ang importanteng okasyon na ipinagdiriwang tuwing sumasapit ang buwan ng Marso.  

Una siyempre ay ang anibersaryo ng Pilipino Star NGAYON at ang ikalawa ay ang Fire Prevention Month na nakapaloob sa Presidential Proclamation No. 115.

Bagaman at nakatutuwa na habang lumilipas ang taon ay lalong dumarami ang mga nagbabasa ng PSN, hindi naman nakakatuwa na sa kabila ng kampanya ng Bureau of Fire and Protection ay tumataas ang bilang ng insidente ng sunog.

Noong nakaraang taon, umabot sa 2,000 ang sunog, sa Metro Manila pa lamang na kung saan nangunguna sa sanhi ay ang faulty electrical wiring. Kaya mahalagang ngayon pa lamang ay itsek na natin ang wiring ng ating mga kuryente.

Sa Disaster Preparedness and First Aid Handbook na inilabas ng Senate Committee on Climate Change na pinamumunuan ni Senator Loren Legarda,­ nagbigay sila ng tips kung papaano makakaiwas sa sunog. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Huwag maninigarilyo sa kama lalo na pagkatapos uminom o maglasing.

Tanggalin ang mga delikadong bagay na maaa­ring pagsimulan ng sunog sa loob ng inyong tahanan katulad ng mga basura at iba pang flammable materials.

Itago ang posporo o lighter sa lugar na hindi maaabot ng bata.

Huwag itatapon ang upos ng sigarilyo sa basurahan. Ugaliing mag­lagay ng ashtray sa inyong tahanan kung may naninigarilyo. Ugaliin ding patayin ang upos ng sigarilyo bago ito itapon.

Huwag ilagay ang kandila, oil o gas lamps sa malapit sa kurtina o mga bagay na mada­ling magliyab. Sigura­duhin ding hindi ito mapaglalaruan ng bata o masasagi ng alagang hayop. Patayin ang nakasin­ding kandila bago matulog.

Huwag magtago ng mga flammable materials katulad ng gasoline, alcohol at pintura sa loob ng inyong tahanan.

Iwasan ang pagsusunog ng basura lalo na ng plastic at rubber sa inyong bakuran.

Mahalagang may­ fire extingui­sher sa loob ng inyong tahanan.

Huwag iwanan ang niluluto lalo na kung may mantika sa kawali, habang nagpi-prito. Sakaling bigla itong magliyab dahil napabayaan, HUWAG bubuhusan ng tubig dahil lalong lalaki ang apoy, sa halip ay takpan ng basang basahan o basang towel ang kawali.

Iwasan ang pagsasaksak ng maraming applian­ces sa isang outlet o octopus connection.

Posible ring pag­simulan ng apoy ang mga sirang plug dahil sa overhea­ting.

Siguradu­hing inalis o tinanggal ang plantsa sa outlet pagkatapos gamitin.

Palaging itsek ang gas hose ng inyong LPG at palitan na kaagad kung ito ay may sira.

Huwag magbasa sa kama gamit ang kandila o gasera.

Sumunod sa “No Smoking” signs.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

CLIMATE CHANGE

FIRE PREVENTION MONTH

HUWAG

IWASAN

METRO MANILA

NO SMOKING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with