Tagumpay ng PSN utang sa mga dealers at vendors
Sa ika-27 taon ng Pilipino Star NgaÂyon at tulad sa naunang mga taon, isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang ang pagkilala at pasasalamat ng paÂngasiwaan at kagawad nito sa malawak na hukbo ng mga newspaper dealers at vendors sa buong bansa.
Sila ang kumbaga laging nasa laraÂngan, nasa mga lansaÂngan, umaraw man at umulan, nagpupuyat, siÂnisuyod ang kasuluksulukan ng bawat lunsod at bayan para maihatid sa mga masang mambabasa ang kopya ng Pilipino Star Ngayon.
Hindi lang sila basta naghahatid ng PSN sa masang Pilipino.
Kaagapay din sila sa maraming aktibidad ng Pilipino Star Ngayon. Sa operasÂyon ng pahayagang ito, napakahalaga at napakalaki ng naiaambag ng mga news dealer/agent/ vendor.
Maitutulad sila sa mga sundalong araw-araw na nahaharap sa larangan ng bakbakan o labanan.
Kung baga, sila ang nasa frontline. Sila ang direktang naghahatid ng mga kopya ng PSN sa mga mambabasa nito. Sila ang behikulo sa paglaganap ng pahayagang ito sa buong bansa mula Aparri hanggabg Jolo, May 27 taon na silang kasama, kaagapaym kabalikat at kapatid ng pamunuan at staff ng PSN. Magkakapitbisig sahirap man o ginhawa, araw-araw, gabi-gabi. Halos hindi namamahinga para maihatid sa sambayanang Pilipino ang pinakabago at sariwang mga balita at impormasyong inihahatid sa kanila ng Pilipino Star Ngayon. Nabubuhay sila sa pamamahagi at pagtitinda ng Pilipino Star Ngayon at sa kanila naman patuloy na nabubuhay ang pahayagang ito. Nasa mga sumusunod na larawan ang ilan sa naganap na naunang mga pulong sa ilan pang mga dealer at vendor sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kasama ang Vice President for Circulation ng PSN na si Fernando Lopez at circulation manager ng pahayagang ito na si Lito Sala.
- Latest