12 Maliliit na bagay na dapat ginagawa ng bawat Filipino para makatulong sa bansa
Noong nakaraang se natorial elections, kumandidato ang isang Alexander Ledesma Lacson, siya ang awtor ng librong “12 little things every Filipino can do to help our countryâ€.
Hindi pinalad na maÂnalo si Lacson na isang abogado pero nakaka-bilib ang kanyang isinulat na libro na kung susundin lang sana ng lahat ng Filipino ay tiyak na makakatulong ng malaki sa pag-unlad ng bansa.
Ang 12 maliliit na bagay na dapat ginagawa ng bawat Filipino ayon kay Lacson ay ang mga sumusunod:
1. Sumunod sa batas trapiko. Sumunod sa batas. Ayon kay Lacson ang pagsunod sa traffic rules ang pinakasimple sa mga batas. “If we learn to follow them, it could be the lowest form of national discipline we can deveÂlop,†sabi ni Lacson sa kanyang libro. Tama nga naman. Siguro kung lahat ng mga Filipino ay sumusunod sa batas mas mababawasan ang aksidente sa lansangan at hindi na tayo maka-kabasa ng mga babala katulad ng “Bawal tumawid nakamamatayâ€.
2. Humingi ng opisyal na resibo. Sa lahat ng binibili natin o serbisyong binabayaran kasama na doon ang ipinapataw na 12% para sa value added tax o VAT. Ayon kay Lacson, kung hindi tayo hihingi ng opisyal na resibo madadagdag lang yon sa kita o tubo ng negosyante na hindi naman nagbabayad ng tamang buwis.
3. Huwag bumili ng smuggled goods. Buy local. Buy Filipino. BumaÂbaha ang mga murang laruan, damit, at kung anu-ano pang produkto sa bansa na kalimitan ay galing sa China dahil maraming mga Filipino ang tumatangkilik sa mga ito. Bakit nga ba namatay ang industriya ng sapatos sa Marikina? Dahil sa pagdagsa ng mga murang sapatos sa Divisoria. Ayon kay Lacson marami na ring mga dayuhan ang nakakapuna sa ugali ng mga Filipino na ang tingin sa mga imported na bagay ay mas mahusay kaysa sa gawang Pinoy. Ayon pa kay Lacson kapag bumibili tayo ng imported na bagay sa isang department store halos 50% ng ating ibinayad ay napupunta sa labas ng bansa.
4. Kapag nakipag-usap ka sa iba lalo na sa dayuhan magsalita ka ng positibo tungkol sa ating lahi at sa ating bansa. Napuna ni Lacson sa paglilibot niya sa maraming lugar sa Pilipinas na tayo mismong mga Filipino ang nagbababa sa ating sarili. “We should stop telling ‘horror stories’ about ourselves to foreigners, including to business associates, friends and relatives abroad,†sabi ni Lacson. Maari nating ipagmalaki ang ating kapwa Filipino na nakagawa ng mga hindi ordinaryong bagay. Inihalimbawa niya ang taxi driver sa New York City na si Nestor Sulpico. Noong Hulyo 17,2004 bumiyahe ito ng 43 miles mula New York City patungong Connecticut para isoli ang US$80,000 halaga ng black pearl na naiwan ng kanyang pasahero sa kanyang taxi. Tumanggi din umano si Sulpico na tumanggap ng reward. Sabi pa ni Lacson libre naman at walang mawawala sa atin kung ipagmamalaki natin ang ating lahi at bansa. Dapat na daw nating isantabi na natin ang mga salitang “Tanga! Bobo! Tamad!â€
5. Igalang mo ang iyong traffic officer, pulis, sundalo at iba pang public servants. Ayon kay Lacson, sa Psychology, ang respeto ay isa sa ‘basic need’ ng bawat tao. Lahat ng tao ay nagnanais na irespeto sila at kilalanin. Lahat ng tao ay nagnanais na sila ay pahalagahan. Naniniwala si Lacson na kung magbibigay galang tayo sa ating mga sundalo, pulisya at opisyal ng trapiko ibabalik nila ang paggalang na ito sa ating mga mamamayan. “There’s a universal principle on this – You always reap what you sow,†sabi ni Lacson.
6. Huwag magkalat. Itapon ng maayos ang basura. Segregate. Recycle. Conserve. Alam na alam na natin ang hindi magandang idinudulot ng hindi maayos na pagtatapon ng basura. Maging sa karagatan ay nakakalungkot makita ang nagkalat na basura sanhi ng mga pasahero ng mga barkong naglalayag. Nakakalungkot pa na kahit paulit-ulit na ang kampanya ng gobyerno laban sa pagtatapon ng basura mismong mga magulang pa ang nagtuturo sa kanilang anak ng hindi tamang paraan ng pagtatapon ng basura. Ayon kay Lacson lahat ng ating binibili lahat ng ating ginagamit ay nanggaga-ling sa ating kalikasan kaya mahalaga pa rin ang mag-recycle.
7. Suportahan mo ang iyong Simbahan. Kahit Katoliko, Baptist, Iglesia ni Cristo, o Muslim mahalaga umanong magbigay ng suporta sa Simbahan upang magkaroon sila ng resources para tulungan ang mga mahihirap.
8. Tuwing eleksiyon gawin mo ang iyong tungkulin. Naniniwala si Lacson na isang serÂyosong obligasyon ang pagboto. Kung gusto na-ting makakita ng pagbabago sa ating bansa dapat gawin natin ang ating obligasyon na iluklok sa puwesto ang mga matatapat na lider na maaring mamuno sa bansa.
9. Bayaran mo ng ta-ma ang iyong mga empleyado. Masarap magÂtrabaho sa isang kompanya na ibinibigay ang nararapat na sahod at benepisyo sa kaniyang mga empleyado. Isa na siguro sa maipagmamalaÂki ng mga empleyado ng Pilipino Star Ngayon ang benepisyong kanilang natatanggap. Hindi lahat ng diyaryo ay nagpapasahod ng tama lalo na sa tabloid pero sa PSN umaabot sa 18thpay ang bonus ng mga empleyado bukod pa ang Christmas bonus at Anniversary bonus. Ayon kay Lacson ang mga employer na nagpapasahod ng tama ay nakatutulong ng malaki sa bansa. “Paying our employees well…is an act of patriotismâ€.
10. Magbayad ka ng buwis. Maituturing na isa sa pinakamahalagang katungkulan ng bawat Filipino ang pagbabayad ng tamang buwis. Ito ang itinuturing na “lifeblood†ng ating gobyerno at ng ating bansa.
11. Adopt a scholar, o adopt a poor child. Hindi mo na raw kaila-ngan pang tumingin sa malayo. Kung may kamag-anak kang mahirap maari mo itong tulungan upang mabago ang kanyang buhay. “You can make a difference in the future of our country and our world by making a difference in the world of children,†sabi ni Lacson.
12. Maging mabu-ting magulang. Turuan mo ang iyong mga anak na sumunod sa batas at mahalin ang bansa. Kung tuturuan natin ang ating mga anak na magbuklod sa mga maliliit at malalaking bagay, matututunan nila ang kahulugan ng pagkakaisa bilang isang bansa. Kung tuturuan natin silang sumunod sa house rules darating ang araw na matututunan din nila ang sumunod sa batas. Ayon pa kay Lacson, sa tahaÂnan dapat unang matutunan ng mga bata ang pagsasabi ng “pleaseâ€, “sorryâ€, “excuse me†at “thank youâ€.
- Latest