Sa suicide ng UP student: Mataas na tuition sinisi ni Bro. Eddie

MANILA, Philippines - Sinisi ni Bro. Eddie Villanueva ang malaking tuition fees sa mga state colleges at universities kaya maraming mahihirap na estudyante ang hindi nakakapagpatuloy ng pag-aaral.

Ginawa ni senatorial bet Bro. Eddie ang pahayag matapos mapaulat na isang estudyante ng University of the Philippines Manila ang nagpakamatay dahil walang ipambayad ng tuition fee at pinipilit maghain ng leave of absence (LOA) sa university.

Ayon kay Villanueva, nakikiisa siya sa milyon-milyong mamamayan na nalungkot sa ginawang pagpapakamatay ng estudyante.

“I join millions in mourning for the death of the UP Manila student who reportedly committed suicide after being forced to file a leave of absence (LOA) from the university for having no money to pay her tuition this semester. I heard that UP Manila has a “no late-payment” policy where students are advised to file LOA if deadline of payment of tuition is not met,” sabi ni Villanueva.

Ang nasabing pagkamatay ng estudyante ay dapat aniyang magsilbing wake up call sa gobyerno para tingnan kung ano pa ang magagawa upang ibaba ang halaga ng edukasyon sa bansa.

Dapat din umanong dagdagan pa ng gobyerno ang pondo para sa edukasyon upang hindi na kailangan pang magbayad ng mahal na matrikula ang mga estudyante.

Bagaman at mahal umano talaga ang “quality education” pero katungkulan naman ng gobyerno na siguraduhing magkakaroon ng edukasyon ang mga mamamayan nito.

 

Show comments