MANILA, Philippines - Tiniyak ng bagong talagang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Atty. Franklin Jesus Bucayu na lilinisin niya ang kawanihan at bubuwagin ang mga iligal sa loob ng New Bilibid Prisons.
Kahapon ay pormal na nanumpa kay Justice Secretary Leila de Lima si Bucayu kasabay ng kanyang pangako na ipapatupad ang reporma sa Bilibid na balot ng kontrobersiya.
Kabilang aniya sa kanyang tututukan ay ang pagpuslit ng droga, pagdukot sa ilang mga bilanggo, ang isyu ng prostitusyon at mga iligal na kubol sa loob ng NBP.
Aminado si Bucayu na malaki ang kanyang magiging responsibilidad subalit sa tulong ng kanyang mga tauhan at empleyado gayundin ang mga preso ay madali lamang malutas ang problema sa pambansang piitan.
Si Bucayu ay dating Police C/Supt ng Region 1 at dating nanguna sa UN Civilian police at peacekeeper.
Ayon sa kalihim, personal niyang inerekomenda si Bucayu upang maÂging susunod na BuCor director.
Sa Martes ang pormal ng pagsisimula ng trabaho ni Bucayu.