MANILA, Philippines - Sumuporta na ang 100,000 miyembro ng Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA) sa pamumuno ni Manila Rep. Amado Bagatsing sa tambalang Erap-Isko.
Sa isang manifesto ay sinabi ng KABAKA na may 11,000 mga lider at 100,000 rehistradong miyembrong botante na nagdesisyon silang suportahan ang tiket ni dating Pangulong Joseph “Erap†Estrada at sa ka-tandem niyang si re-electionist Vice Mayor Isko Moreno dahil naniniwala sila sa layunin nito na muling ibalik ang nawalang ningning at kaayusan sa lungsod.
“Ang samahan ng KABAKA ay buong puso na naghahayag sa pamamagitan ng manipestong ito ng pag-suporta kina dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada sa pagka-Alkalde, at Francisco ‘Isko Moreno’ sa pagka-Bise Alkalde ng Maynila sa darating na halalan sa Mayo 13, 2013,†ayon sa founder ng grupo na si Rep. Bagatsing (LP).
Ipinaliwanag pa ni BaÂgatsing na nakita nila sa plataporma de gobyerno ni Erap ang hangarin ng KABAKA na bigyang pagkakataon ang mga mahihirap na mamamayan na paunlarin ang kanilang uri ng pamumuhay.
Hangad din nila na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapag-aral ng maayos at maibigay ang mga paÂngunahing basic services sa mga mamamayan na nakaligtaang ibigay ng kasalukuyang pamahalaan.
Kaugnay nito ay itiÂnanghal din nila si Estrada, na dumalo sa pagtitipon nila sa kanilang headquarters sa Pandacan, bilang honorary chairman ng KABAKA.
Sa kanyang talumpati ay pinasalamatan naman ni Erap ang KABAKA sa pagbibigay nito ng tiwala sa kanya, at nangako na sisikapin niyang makalikha nang maraming trabaho para sa mga Manilenyo at paiiralin din niya ang katahimikan at pagbibigay ng pantay na karapatan para sa mga kababaihan.
Palalakasin din ang tuÂrismo sa lungsod at bibigyang proteksyon ang mga kababaihan, kabataan at maging ang pagbibigay ng libreng serbisyong medikal.
Magagawa niya aniya ito sa tulong ng mga mamamayan sa paÂnguÂnguna ng KABAKA at sa pagpapalakas ng kakayahang kumita nang lungsod at sa masinop na koleksyon ng buwis.