MANILA, Philippines - Nasubukan sa public service ang Pilipino Star NGAYON kaya tinanghal na Newspaper of the Year (Filipino category) sa katatapos na 11th Gawad Tanglaw na ginanap sa Bartolome delas Casas sa Colegio de San Juan de Letran Calamba noong Marso 7, 2013.
Sa ngalan ng CEO ng Pilipino Star NGAYON na si Miguel Belmonte, tinanggap kahapon ng board of directors ng pahayagan sa pangunguna ni Al Pedroche, editor-in-chief, ang prestihiyosong award mula kina Rev. Fr. Honorato C. Castigador, O.P., rektor at tagapaÂngulo ng Colegio de San Juan de Letran; Dr. Romeo Flaviano I. Lirio, Phd, co-chairt, Gawad Tanglaw at Prof. Doris F. Bayugo, dekana ng School of Education, Arts, & Sciences.
Ang award ay kinabibilangan ng tropeo, medalÂyon at citation.
Kabilang rin sa mga editors na dumalo sa sereÂmonya sina Rowena del Prado, Bansa; Jo Lising-Abelgas, Metro; Mario Basco, Probinsia at Jo Cagande-Reducto, Libangan.
Binigyan diin ni Dr. Lirio na apat na national tabloid newspaper ang pinagpilian sa kategorÂyang sining ng pagsusulat sa media kung saan ang Pilipino Star NGAYON ang napili dahil sa husay ng mga editor sa pagpili ng mga salitang ginagamit at news evaluation ng mga balitang binibigyang diin sa pahayagan.
Nagpasalamat naman ang buong staff ng Pilipino Star Ngayon sa pamunuan ng Gawad Tanglaw sa pagbibigay ng puwang sa sining ng pagsusulat sa media para mapili ang pinaka da best newspaper ng taon.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Dr. Lirio sa Pilipino Star Ngayon dahil sa katiyagaan ng mga editor na personal na tanggapin ang paraÂngal kahit abala sa kani-kanilang trabaho.