Matinding init naitala sa MM

MANILA, Philippines - Dumanas ng matin­ding init ng panahon ang Metro Manila kahapon nang umabot sa 34.4 degree Celsius ang temperatura rito.

Ayon kay Chris Perez, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang matinding init ng panahon ay umarangkada ganap na alas-3 ng hapon kahapon.

Anya, dulot ng patuloy na paghina ng hanging amihan, ang easterlies o ang hangin mula sa silangan ay nagsimula namang  umepekto sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Perez na ang nararamdamang pagbabago sa panahon ngayon ay senyales ng summer season at ito ay matatapos sa huling lingo ng Mayo o mga unang lingo ng Hunyo.

 

Show comments