Kaya ‘di matinag sa top spot Loren patok sa kababaihan, Muslim

MANILA, Philippines - Nananatiling dominante si reelectionist Senador Loren Legarda sa mga survey ng Social Weather Station at ng Pulse Asia dahil sa ma­lakas na suporta sa kanya ng mga botanteng Muslim at kababaihan.

Sa bagong survey ng Pulse Asia, matatag pa rin ang kapit ni Legarda sa unang puwesto sa pagka-senador sa 56.7 points. Si Legarda ay na­ging number one senator noong 2001 at 2007.

Naunang ginawaran si Legarda ng titulong Bai ali­bi (Honorary Muslim Princess) ng Marawi Sultanate league dahil sa natatangi niyang mga gawain para sa simulain ng mga Muslim. Responsable rin siya sa pagkakapasa sa pagkakapasa ng R. A. 9177 na siyang naging batas na nagdedeklara sa Eid Ul Fitr (isang pagdiriwang sa Islam na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan) bilang isang national holiday.

Si Legarda rin ang unang nanawagan sa pagbuhay muli sa prose­song pangkapayapaan sa Mindanao. Ganap ang naging konsultasyon dito sa mga sangkot na partido alinsunod sa probisyon ng Konstitusyon.

Malaki rin ang papel ni Legarda sa ligtas at mabilis na pagpapalaya sa tatlong babaeng Muslim na iligal na kinalap para magtrabahong prostitute sa Malaysia ilang taon na ang nakakaraan.

“Maaaring magbago ang survey pero hindi ko maitatanggi na masaya ako at nagpapasalamat,” sabi ni Legarda sa isang panayam habang kasabay ng pangangampanya ng Team PNoy. “Tulad ng nabanggit ko, itinulak ko ang pagpapatibay ng Agri-Agra reform Act para mapunta sa sektor ng agrikultura ang 25 porsi­yento ng loanable portforlio ng banko,” sabi pa ng mambabatas.

May kabuuang walong kandidato ng Team PNoy ang nasa top 12 ng Pulse Asia survey. Sumusunod sina Francis Escudero, 54.9; Alan Peter Caye­tano, 52.8; Cynthia Villar, 44%; JV Ejercito, 43.8%; Paolo Benigno Aquino IV, 43.2%; Nancy Binay, 42.5%; Grace Poe Llamanzares, 42.1%; Koko Pimentel, 40.1%; Gringo Honasan, 37.9%; Juan Ponce Enrile, Jr., 36.6%; at Antonio Trillanes.

Show comments