GUMACA, Quezon, Philippines --Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino lll si retired police Gen. Franklin Bucayu bilang acting chief ng Bureau of Corrections (BuCor).
Inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, na si Gen. Bucayu ang napili ng Pangulo upang mamuno sa BuCor panÂsamantala.
Miyembro ng Philippine Military Academy of 1981 si Bucayu at ang pinalitan nito ay si Gaudencio Pangilinan na nag-resign nitong Disyembre.
Nagbitiw si PangiÂlinan matapos ang kontrobersyal na pagtakas sa New Bilibid Prison ng high-profile inmate na si Rolito Go.