MANILA, Philippines - Sumasailalim ngayon sa post traumatic syndrome debriefing ng UniÂted Nation (UN) ang 21 sundalong Pinoy na nagsisilbing peacekeepers sa Golan Heights matapos silang bihagin at palayain ng Syrian rebels.
Ayon kay AFP Peacekeeping Operation Center Chief Col. Roberto Ancan, naisailalim na sa medical checkup at ngayon ay stress debriefing na ang isinasagawa sa 21 sunÂdalong pinakawalan sa Jordan ng kanilang mga abductors.
Sinabi ni Ancan, kiÂnaÂkailangan pa umanong matingnan ng mga UN stress counselor partikular na ang mga psychologist at psychiatrist ang mga Pinoy peacekeepers na may tatlong araw ring bihag ng mga rebelde matapos ang mga itong dukutin sa checkpoint sa ceasefire zone sa Jamlah Village sa hangganan ng Syria at Israel.
Ang hakbang ayon sa opisyal ay upang matiyak kung walang dinaranas na trauma at may kakaÂyanan pa ang naturang mga sundalong Pinoy na isalang muli sa peacekeeping mission.
Matapos palayain ng Syrian rebels ang mga Pinoy peacekeepers ay babalik na ang mga ito sa Golan Heights.