PTK ni Sen. Cayetano, pormal nang ilulunsad
MANILA, Philippines - Pormal nang ilulunsad ni Sen. Alan Peter CayeÂtano ang kanyang platapormang PTK: Presyo, Trabaho, Kita, na gaganapin sa Taguig City University (TCU) bukas (Marso 13) ng umaga.
Ipapaalam ni Cayetano sa pamamagitan ng kanyang Grand PTK Launch kung papaano nito tutugunan ang mga suliranin ng mga Pilipino. “Sa pamamagitan ng mga listening tour, narinig at nalaman ko ang mga tunay na hinaing at pangangailangan ng taong bayan. Nais kong iprisinta sa mga Pilipino ang aking mga gustong gawin.â€
Ang senador ay nagkaroon ng pagkakataong makipag-usap sa mga maÂnininda sa palengke, mangingisda, magsasaka, manggagawa ng sapatos, construction worker, manggagawa ng furniture, drayber, senior citizens, at biktima ng mga sakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Bilang Senador, nalaman ko na para makalikha ng mga batas na tutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan, kailaÂngan mong kilalanin silang personal upang malaman ang tunay nilang hinaing. Ito ang pangunahing rason kung bakit ko sinimulan ang mga Listening Tour ng PTK: Presyo, Trabaho, Kita.†paliwanag ni Cayetano.
Ayon kay Cayetano, ang mga problema ng mga sektor na kanyang binisita ay naka-ugat sa PTK: PresÂyo, Trabaho, Kita.
“Kakulangan sa pagkukunan ng kapital, di saÂpat na suporta ng pamahalaan para sa produktong gawang Pilipino, mataas na bilihin, mababang sahod, at konting traÂbaho - ito ang mga sinabi nila sa akin.
At ito rin ang mga problemang sosolusyunan ko sa tulong ng ating mga kababayan sa susunod na Kongreso,†diin niya.
Ang kapatid ni CaÂyetano, ang direktor sa telebisyon at pelikula na si Lino Cayetano, na siya ring kandidato sa kongreso, ang magpapatakbo ng Grand PTK Launch.
- Latest