MANILA, Philippines - Walang pagtaas na 300 percent sa real property tax (RPT) sa lungsod ng Parañaque.
Ani Parañaque City Hall spokesman Dean Calleja. anim hanggang 20 porsyento lamang ang itinaas ng RPT at depende pa ito sa sukat at lokasyon ng mga lupa. Pinahihintulutan din umano ang naturang RPT increase ng Department of the Interior and Local Government at Department of Finance.
Noong 2002, itinaas ng Pasay City ang kanilang RPT taxes ng 45 percent. Sa Muntinlupa City ay 60 hanggang 200 percent ang itinaas ng RPT habang 60 percent naman sa Las Piñas City.
Ayon kay Calleja, ang RPT increase ay naaayon sa Local Government Code of 1991 Republic Act 7160, Section 219 kung saan pinahihintulutan ang mga provincial, city at municipal assessor na baguhin ang Real Property Assessments sa loob ng dalawang taon matapos maiÂpatupad ang batas at kada tatlong taon pagkatapos ng unang pagbabago.
Sinabi pa ng opisyal na bilang patunay na wala namang nabago sa sinisingil ng Parañaque City Government sa RPT ay puwedeng ikumpara ng mga mamamayan ng lungsod ang kanilang binayarang RPT noon at ngayon.