PPP projects pinarerebyu ni Haresco

MANILA, Philippines - Pinaiimbentaryo ni Kasangga partylist Rep. at Aklan congressional aspirant Teodorico Haresco ang lahat ng programang pang-imprastraktura na nasa ilalim ng Public-Private-Partnership (PPPs).

Ayon kay Haresco, makakatulong ang imbentaryo na mapalakas ang programa at tuloy mahikayat ang pribadong sektor na mamuhunan sa bansa.

Idiniin ni Haresco, ka­sabay ng pagpuna sa ma­laking kailangang pondo, kailangan ang isang ma­kabago at mahusay na imprastruktura sa pagtugon sa matagal nang problema sa kahirapan, kakulangan ng kompetisyon at mababang productivity.

“Hindi sapat ang makinarya ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng pondo kaya dito mahalaga ang pagtukoy kung saang proyekto makakatulong ang pribadong sektor,” ayon kay Haresco.

Mula sa bungad ng administrasyong Aquino noong Hulyo 2010, iilang proyekto pa lang ng PPP ang iginawad o inaprubahan tulad ng Daang Hari - SLEX link road, the PPP for School Infrastructure Project (Phase I), Cavite-Laguna Expressway (Cavitex), NLEX-SLEX Connector road, at Talisay City Plaza Complex Heritage Restoration project sa Negros Occidental.

Lumilitaw sa report na ang kontratang iginawad (sa pribadong sektor) sa ilalim ng BOT scheme ay $14.7 bilyon noong taong 1999 pero bumaba ito sa $68.72 milyon hanggang noong Pebrero 2011. 

 

Show comments