MANILA, Philippines - Nanguna si UNA senatorial bet Mitos Magsaysay sa isang mock election na isinagawa ng Local Government Development Foundation (Logodef) at ng kabalikat nitong eskuwelahan sa University Belt sa Maynila noong Marso 5.
Sa ginanap na “Tapat na Tapatan†forum sa University of the East (UE) na dinaluhan ng 300 estudyante, tinalakay ni Magsaysay ang kanyang plataporma at mga nagawa noong tatlong beses niyang panunungkulan bilang kongresista ng unang distrito ng Zambales.
Inilatag din niya ang mga pagbabago sa mga patakaran ng kasalukuyang administrasyon at inungkat niya ang mga isyung nakakaapekto sa bansa at ang mga kailangang gawin para matugunan ito.
Sa mga dumalo sa forum, nakakuha si Magsaysay ng 204 boto kaya nasa unahang puwesto siya sa mock poll.
“Nalulugod ako sa pagkakataong ito na makasaÂlamuha ang mga estudyante lalo pa at pangunahin kong layunin sa pagkandidatong senador ang magtulak ng reporma sa sektor ng edukasyon lalo na ang probisyon sa mas maraming scholarship at skills training para matiyak na magkakaroon sila ng sapat na oportunidad na makatagpo ng trabaho at maiangat ang buhay ng kanilang pamilya,†sabi pa ni Mitos.
“Umaasa ako na sa kampanyang ito ay mas marami pa ang pagkakataong makausap ko sila at matutunan ang kanilang mga pangangailangan para maging prayoridad ito ng pamahalaan,†dagdag niya.