MANILA, Philippines - Bibigyan ng libreng paaral sa college ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga anak ng mga “fallen heroes of the environment†o mga manggagawa ng ahensiya na namatay habang nasa duty dahil sa pangangalaga sa kalikasan sa bansa.
Ayon kay DENR Secretary Ramon J.P. Paje, nilagdaan na niya ang general guidelines para sa scholarship program na layuning mapag-aral ng libre ang mga environmental heroes para makatulong sila sa kanilang pamilya pagdating ng panahon.
Sa record ng DENR, mahigit 60 ng mga tauhan nito ang namatay habang nasa kanilang duty mula 1987.
Partikular na makikiÂnabang sa programang ito ang “Bayani ng Kalikasan†awardee Melania Dirain, isang 46-year-old forestry specialist na nabaril at napatay sa kanyang opisina sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan noong Feb. 7, 2012.
Ang scholarship award ay kapapalooban ng recipient’s full tuition sa alinmang state university sa bansa tulad ng UP, monthly living allowance na P5,000, libro at internet allowances at iba pang school supplies na may halagang P3,500 kada semester.
Ang mga benepisyaryo ng programa ay kailangang kumuha ng kurso na may kinalaman sa strategic thrusts, plans and priority programs ng DENR tulad ng environmental science, forestry, geodetic engineering, geology, mining engineering, chemical engineering, ocean at marine science gayundin ng taxonomy.
May P10,000 allowance rin ang bawat recipient para sa kanilang graduation expenses, kasama na ang diploma fee, yearbook, toga rental, graduation picture, dalawang paid round-trip tickets kada taon.