^

Bansa

Bata, babae binabaril na sa Sabah

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas tumitindi na ang karahasan na ipinatutupad umano ng Malaysian military sa Sabah kung saan maging mga inosenteng sibilyang Pilipino na babae at mga bata ay pinapaputukan na rin ng mga sundalo.

Ayon kay Princess Jacel Kiram sa pulong-balitaan kahapon sa Maharlika Village, Taguig City, isang babae ang kanyang nakausap sa telepono at sinabing pinagbabaril na rin ng Malaysian military ang mga bata at babae. Isang buntis na babae at isang bata rin umano ang kabilang sa mga “casualty” sa nagaganap na barilan.

Sinabi ni Princess Jacel na sa kabila ng “maximum tolerance” at pagdedeklara ng Sultanate of Sulu ng “unilateral ceasefire”, “maximum violence” naman ang sagot ng militar ng Malaysia na nagsasagawa na ng indiscriminate firing sa lahat ng Filipino na nasa Sabah.

Samantala, sinabi rin ng prinsesa na sa pagitan na ng pamilya Kiram at ng gobyerno ng Malaysia ang negosasyon sa pagmamay-ari ng Sabah at wala nang kinalaman ang pamahalaan ng Pilipinas. Ito’y makaraang magtapos na umano ang resolusyon na binibigyan ng pamilya Kiram ang pamahalaan ng Pilipinas na maging representante ng Sultanato at makipagnegosasyon sa Malaysia.

Nakalagay umano sa kasulatan na sa loob ng 20 taon at wala pa ring magawa ang gobyerno ng Pilipinas, mag-e-expire na ang authority at babalik na ito sa Sultanato ng Sulu.

Naipasa ang resolus­yon sa panahon ng nama­ya­pang Sultan Esmail Kiram I at dating Pangulong Diosdado Macapagal.

Inakusahan rin nito ang administrasyong Aquino na nagsisilbi umanong “puppet” ng Malaysia dahil sa mga pahayag na mistulang pumapabor pa sa naturang bansa. Wala umanong malasakit sa buhay na nasa Sabah at nakikita nila na tila pinoprotektahan ang interes ng Malaysia.

 

vuukle comment

KIRAM

MAHARLIKA VILLAGE

PANGULONG DIOSDADO MACAPAGAL

PILIPINAS

PRINCESS JACEL

PRINCESS JACEL KIRAM

SABAH

SULTAN ESMAIL KIRAM I

SULTANATE OF SULU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with