MANILA, Philippines - Naiangat na ng salvage team ang first level-B o 01 level-B ng sumadsad na US minesweeper sa Tubbataha Reef.
Kinumpirma ni Commodore Enrico Evangelista, commander ng Philippine Coast Guard-Palawan District at namumuno ng Task Force Tubbataha, na ang naingat na bahagi ay ang 01-B level kung saan naroon ang cabin ng mga opisyal ng barko na bahagi ng superstructure ng USS Guardian, dakong ala 1:20 ng hapon kahapon.
Ang natanggal na bahagi ng USS Guardian ay inililipat na sa nakaantabay na Barge S-7000 na hatak naman ng Malaysian Salvage vessel na Trabajador 1.
Susunod na tutukan ng salvage team ang pagkalas ng 01-A level ng barko kung saan naroon ang ward room at cabin ng kapitan.
Iniulat pa ni Commodore Evangelista na dahil gumanda na ang lagay ng panahon sa Tubbataha Reef kaya muling sinimulan kahapon ang salvage operations na naantala matapos pansamantalang mahinto kamakalawa.
Inaasahan naman na hanggang sa susunod na linggo ay mananatiÂling maganda ang lagay ng panahon sa Tubbataha kaya inaasahan ding magtutuluy-tuloy ang salvage operations.