^

Bansa

Mass deportation sa Sabah standoff

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangangamba ang isang mambabatas sa mass deportation sa mga Filipino kasunod ng standoff sa Sabah, Malaysia.

Sinabi ni Sulu Rep. Tupay Loong, ngayong tuluyan ng sumiklab ang karahasan sa Sabah ay posibleng mass deportation na ng mga Filipino-Muslim ang kasunod nito.

Paliwanag pa ng mambabatas, chairman ng House Committee on Muslim Affairs, tiyak na malaking problema ang kakaharapin ng mga opisyal sa Sulu at mga karatig-isla nitong Tawi-Tawi, Basilan at Zamboanga sa sandaling pauwiin ang mga naninirahan sa Sabah.

Hindi rin umano nila alam kung paanong ia-accomodate ang daan-daang deportees bukod pa sa casualties.

Ayon sa kongresista, bukod sa tirahan, magi­ging pahirapan din ang kabuhayan ng mga ito.

Aminado si Loong na hindi sila handa sa ganitong scenario kaya naman umaasa ang mam­babatas na may paraan pa para maresolba ng mapayapa ang isyu sa Sabah.

 

AMINADO

AYON

BASILAN

FILIPINO-MUSLIM

HOUSE COMMITTEE

MUSLIM AFFAIRS

SABAH

SULU REP

TUPAY LOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with