MANILA, Philippines - Dinukot ng mga SyÂrian rebels ang 21 sunÂdalong Pinoy na nagsisilbing United Nations (UN) peacekeepers sa Golan Heights matapos harangin ang convoy ng mga ito sa ceasefire zone sa hangganan ng Syria at Israel noong Miyerkules ng gabi.
Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, kinumpirma ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ang pagdukot sa 21 Pinoy peacekeepers na pinamumunuan ng isang Army Major.
Bandang alas-6 ng gabi (alas-12 ng tanghali sa Pilipinas) ng harangin ang apat na behikulong convoy ng AFP-UN peacekeepers ng tinatayang nasa 30 armadong Syrian rebels at puwersahan ang mga itong bihagin.
Sa isang video na ipinadala ng Spokesman ng Syrian rebels, sinabi nito na palalayain lamang ang mga bihag kapag umatras na ang tropa ni Syrian President Bashar Afez Al-Assad doon.
Nagbanta ang mga rebelde na kapag hindi nagwithdraw ang tropa ni Assad na umaatake sa kanilang kuta sa loob ng 24-oras ay ituturing nilang mga “prisoners†o bilanggo ang mga Pinoy.
Inakusahan ng mga rebeldeng Syrian ang mga Pinoy na espiya at tinutulungan ang rehimen ni al-Assad dahil sa pagtungo nila sa nasabing lugar ilang araw lamang matapos ang sagupaan ng mga rebel fighters at Saad forces kung saan 11 rebelde at 19 tropa ng Syrian government ang nasawi.
Naunang naiulat na nawawala ang mga peacekeepers bago ang paglabas ng video sa internet.
Mapapanood sa video ang isang batang lalaki na nagsasalita at nagpakilaÂlang mula sa “Martyrs of Yarmouk Brigade†habang nasa background nito ang nakapaligid na mga rebel fighters na armado ng assault rifles sa harap ng dalawang puting armored patrol car at isang truck na may markang “UNâ€.
Ayon kay Burgos base sa pakikipagtalastasan nito sa UN Disengagement Observers Force (UNDOF), trinatrato naman ng maayos ang mga sundalong Pinoy.
Ang mga binihag na AFP peacekeeping contingent doon ang ika-6th Philippine Contingent to Golan Heights na binubuo ng 45 opisyal, 3 babaeng opisyal, 275 enlisted personnel at 10 EWAC (Enlisted Women’s Auxiliary Corps ).
Ang mga ito na pinamumunuan ni Lt. Col Nolie Anquillano ay umalis sa bansa ng tatlong batch noong Nobyembre 2012.
Ang UN peacekeeping force na kinabibilangan ng AFP contingent ay nagsisilbing tagapamayapa sa ceasefire sa pagitan ng Syria at Israel na inoobÂserbahan simula pa 1974.
Ayon kay Burgos nakikipagnegosasyon na sila sa pamilya ng mga binihag upang ipaalam ang sinapit ng mga ito doon.
Tiwala naman ang AFP na ligtas at mapapalaya sa lalong madaling panahon ang mga sundalong Pinoy.