MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon sa loob lamang ng 9 na buwan, muling puputulan ng kuryente ang bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija ngayong araw.
Inihayag ng First Gen Hydro Power Corp. (FGHPC), ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Pantabangan-Masiway Hydroelectric Complex at nagsusuplay ng kuryente sa Pantabangan Municipal Electric Services (PAMES), muli nilang puputulin ang power supply ng electric cooperative na pag-aari ng local na pamahalaan ng Pantabangan ngayong alas 12:00 ng tanghali.
Ayon kay Dennis Gonzales, FGHPC vice president, simula pa 2007 nang makipag-usap sila sa Pames hinggil sa utang nito. Ngunit, paulit-ulit umano na hindi tumutupad sa restructuring agreement ang mga opisyal ng Pames sa pangunguna ni PantabaÂngan Mayor Romeo Borja Sr., kaya’t napilitan ang FGHPC na putulin ang power supply.
Nauna nang pinutulan ang Pames mula sa FGHPC grid noong February 11, 2013 at noong July 23, 2012. May utang pa ang Pames sa FGHPC ng mahigit sa P52 milyon mula 2007 kabilang dito ang interest.
Sa pagputol ng supply ngayon, may kabuuang P1,770.662.60 na pagkakautang ang Pames para sa January 2013 na nag-due nitong February 25.
Sa ilalim ng compromise agreement sa pagitan nhg FGHPC at PAMES, nangako ang huli na tutupad sa payment due dates kabilang ang monthly power bills.
Ang utang ng PAMES mula July 2012-December 2012 ay P8,762,405.58. Nakabayad lamang ang PAMES ng P1.7 milyon.
Nauna nang tiniyak ng pamahalaan na mayroong sapat na supply ng kurÂyente para sa nalalapit na eleksyon sa kabila ng mga suliranin dahil sa mga utang sa mga supÂpliers. Nasa kasagsagan din ngayon ang mga paaralan para sa final exams at paghahanda sa mga graduation.
Ang Pantabangan ay isang first class municipaÂlity at tanging bayan sa Pilipinas na mayroong nag-ooperate na 3 hydroelectric plants sa nasasakupan nito. Ngunit, laging problema ang power supply dito dahil sa hindi pagbabayad ng utang sa kuryente.