Kiram troops terorista - Malaysia
MANILA, Philippines - Idineklara ng Malaysia na mga terorista umano ang Sulu Sultanate Royal Army na tagasuporta ni Sultan Jamalul Kiram III na kasalukuyang tinutugis ng Malaysian forces sa Sabah.
Sa ipinalabas na statement ng Malaysian Foreign Ministry, isinagawa umano ang airstrike at ground attacks ng kanilang puwersa matapos ang matinding pagpatay sa kanilang mga pulis na anila’y maituturing na kagagawan ng mga terorista.
Sinabi ng Malaysian Foreign Ministry na pinagputol-putol umano ang katawan ng mga pulis-Malaysia kahit mga patay na ang mga ito na gawain lamang ng mga terorista.
Iginiit ng Malaysia na sinang-ayunan umano ni Secretary Albert del Rosario na ang nasabing pagpatay sa mga pulis-Malaysia sa isang ambush-attack sa Semporna, Sabah ay maitutuÂring na “terroristic act†base na rin sa naging pagpupulong nina del Rosario, Malaysian Foreign Minister at Defense Minister sa Kuala Lumpur kamakalawa.
Gayunman, agad nilinaw ng DFA na walang sinabi si del Rosario na terorista ang Sulu Royal Army na pinamumunuan ni Rajah Muda Agbimuddin Kiram na nakasagupa ng Malaysian forces.
Ayon kay Ambassador Eduardo Malaya ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur na kasama sa nasabing pulong, hindi umano sinabi ni del Rosario na mga terorista ang grupo ni Rajah Muda.
“The report is out of context and the Secretary (del Rosario) did not label the Filipino group as “terrorist,†paglilinaw ni Malaya.
Sa naging report sa Malaysian Foreign Minister, matapos na mapatay sa ambush ang mga pulis-Malaysia sa bakbakan sa Semporna ay pinagtataga at pinugutan pa ng ulo ng kanilang mga nakasagupang Royal forces.
Sa isang pahayag, itinanggi naman ng pamilÂya Kiram na sila’y mga terorista at hindi anya nila gawain na mang-chop-chop ng tao. Wala umano silang rekord na nanghasik ng kaguluhan at ipinagtanggol lamang umano nila ang kanilang karapatan.
Samantala, mahigit sa 100 puwersa ng galit na Moro National Liberation Front (MNLF) fighters mula sa Zamboanga PeÂninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ang nakapuslit sa Mindanao lulan ng mga malalaking bangka upang mag-reinforce sa tropa ni Rajah Muda.
Sa phone interview, kinumpirma ni Muhajab Hashim, chairman ng Muslim Islamic Council na pawang naka-full battle gear ang MNLF fighters dala ang kanilang malaÂlakas na uri ng armas at bala tulad ng Rocket Propelled Gun.
Sinabi ni Hashim na walang instruksyon o direktiba ang liderato ng MNLF na magtungo ang mga ito sa Sabah at tumulong sa Sulu Royal Army sa bakbakan doon pero talagang hindi na umano mapipigilan ang galit ng kanilang mga mandirigma.
- Latest