Kaya marami ang tambay Pinoy choosy sa trabaho - DOLE

MANILA, Philippines - Ang pagiging mapili o maselan sa trabaho ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang tambay.

Inihayag ito kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) base sa lumabas sa pag-aaral ng Department of Labor Bureau of Statistics na libu-libo ang bakanteng trabaho sa pribadong sector subalit hindi naman napupunan dahil umano sa pagi­ging “choosy” ng mga job seeker.

Lumilitaw na 30,000 hanggang 40,000 bakanteng trabaho ang ipina­paskil ng DOLE araw-araw sa PHILJOBNET, ang online website ng labor department para sa mga naghahanap ng trabaho.

Nadiskubre rin nila na karamihan sa mga pihikan sa trabaho ay ang bagong graduates.

Paalala ni DOLE public information office Director Nicon Fameronag sa mga graduate ng kolehiyo, huwag nang maging mapili dahil ang mahalaga ay maranasan muna nila ang pagtratrabaho sa isang kumpanya kung saan daan upang mapa-unlad ang kanilang mga sarili.

Maaari rin naman ga­mitin ng mga bagong graduates ang unang trabaho upang makakuha ng experience.

 

Show comments